PROVERBS: Proverbs or sayings "salawikain" in tagalog are part of one's cultural heritage which should not be taken for granted nor forgotten...and are good sources of information about old traditions, beliefs, customs, and ways.
Minamahal habang mayruon, kung wala ay patapon-tapon.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paruruonan.
Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.
Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
Kapag ang tao'y matipid, maraming maililigpit.
Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Ang gawa sa pagkabata, dala hanggangpagtanda.
Pag di ukol, ay di bubukol.
Daig ng maagap ang taong masipag.
Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.
Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
Pahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Aanhin mo ang palasyo, kung ang nakatira ay kuwago
mabuti pa ang bahay kubo, ang nakatira ay tao.
Ang paala-ala ay mabisang gamot, sa taong nakakalimot.
Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.
Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo.
Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Hangga't makitid ang kumot, magtiis mamaluktot.
Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.
Mahuli man at magaling, naihahabol din.
Balat man at malinamnam, hindi mo matitikman.
Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
Batang puso, madaling marahuyo.
Kung saan nahihilig, duon din nabubuwal.
Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman.
Kung ano ang sukat ng ohales iyon ding ang laki ng butones.
Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.
Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.
Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.
Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.
Walang mapait na tutong, sa taong nagugutom.
Ang tunay na kaibigan, karamay kailan man.
Ang tao kapag mayaman, marami ang kaibigan.
Kapag may isinuksok, may madudukot.
Magkulang ka na sa magulang, huwang lamang sa biyenan.
Nakikita ang butas ng karayon, hindi makita ang butas ng palakol.
Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.
Ang lumalakad nang mabagal, kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
Ang langaw na dumapo sa kalabaw, mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
Pili nang pili, natapatan din ay bungi.
Huwag magbilang ng manok, hangga't hindi napipisa ang itlog.
Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.
Magkupkop ka ng kaawa-awa, langit ang iyong gantimpala.
Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.
Ang bungang hinog sa pilit, kung kainin ay mapait.
Walang humawak ng lutuan, na hindi naulingan.
Sala sa lamig, sala sa init.
Ang sakit ng kalingkingan, damdamin ng buong katawan.
Ang mabigat ay gumagaan, kapag pinagtulung-tulungan.
Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang matapang.
Ang pag-ilag sa kaaway, ang tunay na katapangan.
Ano man ang tibay ng piling abaka, ay wala ring silbi kapag nag-iisa.
Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.
Sa taong may tunay na hiya, ang salita ay panunumpa.
Walang matiyagang lalake, sa pihikang babae.
Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.